Forced evacuation, zero casualty sa Masinloc, Zambales sa hagupit ni 'Karding'

ABS-CBN News

Posted at Sep 26 2022 10:35 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA — Walang naitalang casualty sa pagdaan ng Bagyong Karding sa Masinloc, Zambales.

Ayon kay Masinloc Mayor Arsenia Lim, nagsagawa sila ng forced evacuation sa mga nakatira sa tabing-dagat.

"Sobrang lakas po ng hangin. Buti na lang hindi sinabayan ng masyadong malakas na ulan tulad ng dati," aniya sa panayam sa TeleRadyo Lunes.

Nitong Lunes ng umaga, bumuti na ang panahon sa lungsod, dagdag ni Lim.

Maaari ng bumalik aniya sa kanilang mga tirahan ang nanatili sa evacuation center.

Sa 8 a.m. weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo 190 kilometro kanluran ng Dagupan City, Pangasinan.

May taglay ito na hangin na 140 kilometro kada oras at pagbugso na 170 kilometro kada oras.

Nasa Tropical Cyclone Wind Signal Number 2 pa rin ang ilang hilagang parte ng Zambales, kabilang ang Masinloc, at kanlurang bahagi ng Pangasinan.

Inaasahang lalabas ng Philippine area of responsibility si Karding Lunes ng gabi.