Pagbaba ng retirement age ng mga kawani ng gobyerno, lusot sa Kamara

ABS-CBN News

Posted at Sep 26 2019 12:44 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

MAYNILA—Lusot na sa House Committee on Government Enterprises ang panukala na magpapababa sa optional retirement age ng mga empleyado ng gobyerno sa 56 years old mula sa kasalukuyang 60 years old.

Ayon sa isa sa mga may-akda ng panukala na si AKO BICOL party-list Rep. Alfredo Garbin Jr., makatutulong ito sa burukrasya dahil mapapabilis nito ang pag-angat sa posisyon ng mga mas batang empleyado.

Pabor sa pagpapababa ng optional retirement age ang grupo ng mga public school teacher dahil mas nahihirapan umano ang mga nakatatandang guro na sumabay sa teknolohiya at ugali ng mga estudyante.

May agam-agam naman ang Government Service Insurance System (GSIS) sa panukala dahil maaaring maapektuhan ang pension fund na inaasahang magtatagal pa hanggang 2045.

Ayon kay GSIS assistant chief legal counsel, Atty. Lucio Yu, sakaling mapababa sa 56 years old ang retirement age, maaaring umabot na lang sa 2033 ang pension fund.—Ulat ni Vivienne Gulla, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.