PatrolPH

News Patrol: 'Si Quilario ang dapat pumunta sa Senado' -- Hontiveros

ABS-CBN News

Posted at Sep 25 2023 05:52 PM

Watch more on iWantTFC

Iginiit ni Senador Risa Hontiveros na ang lider ng Socorro Bayanihan Services Incorporated na si Jey Rence Quilario ang dapat na lumuwas sa Maynila para sa imbestigasyon tungkol sa kanilang grupo. 

Ito ay matapos mabunyag ang akusasyon na sangkot umano ang grupo sa rape, pwersahang pagpapakasal, at sapilitang trabaho sa Surigao Del Norte. News Patrol, Lunes, Setyembre 25.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.