Home > News Burol ni ex-MMDA chair Bayani Fernando bukas na sa publiko ABS-CBN News Posted at Sep 25 2023 07:56 AM | Updated as of Sep 25 2023 08:14 AM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more on iWantTFC Patuloy ang pagdating ng mga bisita at mahal sa buhay ni dating MMDA Chairman, mayor at congressman Bayani Fernando sa kanyang burol sa Marikina Riverbanks Center. Pagpasok pa lamang ay punong-puno na ng bulaklak ang Queen of Angels Chapel kung saan nakahimlay ang labi ng dating mayor. Inamin naman ng kapatid nito na naaksidente si Fernando habang may kinukumpuni sa bubungan ng kanilang bahay sa Marikina City. Pumanaw si Fernando noong Biyernes sa edad na 77. Nanungkulan siya bilang mayor ng Marikina mula 1992 hanggang 2001, chairman ng MMDA mula 2002-2009, at congressman ng Marikina 1st District mula 2016 hanggang 2022. Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita. Share Facebook Twitter LinkedIn Viber bayani fernando, death, wake, obituary, tagalog news Read More: bayani fernando death wake obituary tagalog news