DOH: Butuan nangunguna sa may pinakamataas na kaso ng COVID-19 sa Caraga

ABS-CBN News

Posted at Sep 24 2021 07:43 AM

Watch more News on iWantTFC

MANILA—Higit 10,000 na ang naitatalang kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Butuan, ayon sa isang opsiyal ng Department of Health (DOH) sa Caraga.

Ayon sa assistant regional director ng DOH-Caraga na si Dr. Sadaila Raki-In, nasa 10,398 na ang mga naitatalang kaso ng COVID sa nasabing lungsod.

Samantala, may 8,518 na kaso ng COVID-19 naman ang naitatala sa lalawigan ng Agusan del Sur.

Ayon kay Raki-In, isa ang Delta variant sa mga dahilan ng pagsipa ng mga kaso sa rehiyon ng Caraga. 

“Last week, natanggap po namin ’yung resulta mula sa Philippine Genome Center na meron po kaming Delta variant,” ani Rak-In.

“Kung tutuusin, August po naming naisumite ’yun, noong nakaraang buwan so bago palang po dumating yung resulta.”

Dagdag pa ni Raki-In, punuan na ang mga ospital sa rehiyon. Naka-quarantine na rin ang ilan sa mga health worker sa rehiyon dahil nadapuan na ang mga ito ng COVID-19.

Nanawagan si Raki-In sa mga taga-Caraga na patuloy na sundan ang minimum public health protocols.

Dagdag pa niya, importante rin na magpabakuna na sa lalong madaling panahon, at huwag nang mamili ng brand ng bakuna. — TeleRadyo, 24 September 2021