3 pulis sugatan sa pananambang sa Oriental Mindoro

ABS-CBN News

Posted at Sep 24 2019 10:54 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Sugatan ang 3 pulis matapos pasabugan at pagbabarilin ang kanilang sinasakyang patrol mobile sa Socorro, Oriental Mindoro, Martes ng umaga.

Patungo sana sa katabing lungsod ng Calapan ang grupo nang mangyari ang pag-atake sa Strong Republic Nautical Highway, Barangay Pasi 2.

Nailayo naman ng driver ang sasakyan mula sa ambush site.

Kasama sa mga nasugatan sina police CMSgt Ivan Fortus, SMSgt Irene Lazo at Cpl. Ivay Carmona.

Sakay rin ng mobile ang deputy chief ng Pinamalayan police station na si Capt. Ruelito Magtibay, Barangay Chairman Noli Dela Cruz at police Ptlm. Raquel Generoso.

Hindi pa tukoy kung sino ang mga nasa likod ng pananambang.

Ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.