PatrolPH

Liga ng mga Barangay, pabor sa pagpapaliban ng barangay elections

ABS-CBN News

Posted at Sep 23 2022 10:28 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA – Pabor ang Liga ng mga Barangay na ipagpaliban muna sa susunod na taon ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE), ayon sa isang opisyal nito.

Paliwanag ng kanilang pangulo na si Dr. Eden Chua Pineda, hindi nagawa ng mga opisyal ng barangay ang kanilang mga proyekto dahil nagsilbi silang frontliner sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic. 

“Humihingi po kami ng postponement sa election na ito precisely because we were not also able to implement our programs sa bawat barangay. Kasi nga po yung pondo pa rin ng barangay ay nai-channel po sa COVID-19.”

“And gusto po namin din maipagpatuloy ang mga programa po namin na na-promise din namin or dapat gawin din namin sa barangay,” pahayag niya sa TeleRadyo.

“Sa pandemic na ‘to, ang almost 2 and a half years, wala po kaming ibang naipatupad na mga programa at infrastructure or development sa barangay,” kuwento niya.

Dagdag pa ni Pineda, sang-ayon din sila sa panukala ng ilang mambabatas na pahabain ang termino ng mga opisyal ng barangay at SK hanggang 6 na taon, mula sa kasalukuyang 3 taon. 

“It would be advantageous po kung magsi-six years tayo po kasi, yun nga there would be a continuity of the programs po. Kasi kung magkaka-election na naman po tayo from time to time gagastos na naman po ang gobyerno para sa BNEO, Barangay Newly-Elected Officials--there would be another cost for trainings, sa seminars for the newly-elected officials,” aniya.

Makakatulong din umano ang mas mahahabang termino ng mga opisyal sa pagsulong ng kapayapaan sa mga barangay.

“Pag lagi pong meron eleksyon sa barangay, may away-away po andoon and then kasi, it is a closely--like a family unit na pag may election, lalo na sa barangay, nag-aaway-away, even the families nag-aaway-away po sa kung sino ang sinusuportahan,” sabi ni Pineda.

“We would like to have a unity para maisulong din natin ang programa ng gobyerno nang maayos and para sa we should stand united po sa bagong administrasyon na po,” aniya.

--TeleRadyo, 23 Setyembre 2022

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.