PatrolPH

Duterte admin walang inilaang pondo para dagdag na benepisyo ng mga centenarian

ABS-CBN News

Posted at Sep 23 2022 11:52 PM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA—Hindi nasunod ng Duterte administration ang panukala nito na bigyan na kaagad ng pondo ang mga centenarian, ayon sa isang kongresista.

Ayon kay Senior Citizen Party-list Rep. Rodolfo “Ompong” Ordanes, walang inilaang pondo para sa dagdag na benepisyo ng mga senior citizen at centenarian.

Hindi umano naisama sa 2022 national budget ang dagdag na P500 na benepisyo ng mga senior citizen.

Hiniling na umano dati sa Kongreso na magbigay ng pondo ang benepisyo ng mga centenarian.

Nasa 700 centenarians umano ang hindi pa nakatanggap na P100,000 na benefits dahil sa kawalan ng pondo kahit may batas. Aniya, maraming centenarian na ang kinamatayan ang hindi natanggap na benepisyo.

Dapat umano kalampagin ang DBM para mapondohan ang benepisyo ng mga centenarian.

Posibleng sa Enero umano na matanggap ang dagdag na benepisyo ng mga senior, na isinama na sa 2023 national budget.—SRO, TeleRadyo, Sept. 23, 2022

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.