Home > News Hog farmers apektado ang kita dahil sa imported pork ABS-CBN News Posted at Sep 22 2022 03:48 PM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more on iWantTFC MAYNILA – Umaasa ang isang grupo ng hog raisers na makakabawi sila sa bentahan ng karneng baboy sa huling 3 buwan ng 2022. Ayon kay Chester Warren Tan ng National Federation of Hog Farmers, apektado sila ng pagpasok ng imported na pork sa bansa. “Nagtitiis po kami, these past 2 months po talagang below cost po yung binebenta naming farm market price. Ang inaasahan na lang po namin na sana pagdating ng itong Oktubre hanggang December eh makabawi po sana kami sa aming lugi these past 2 months,” sabi niya sa panayam ng TeleRadyo, Huwebes. “Bumaba po kasi ang presyo dahil po sa dagsa ng imported, kaya ang hiling lang po namin maibalik lang po doon sa dating presyo na hindi naman masyadong mataas para po hindi apektado ang ating consumer sa wet market,” dagdag niya. Nananawagan din siya sa gobyerno na tulungan mapababa ang production cost ng hog raisers. “Talagang napakamahal po ng ating inputs. Ang hiling po nga namin, sana yung mga inputs natin ay mura maparating nang ating gobyerno, eh mabebenta rin po namin nang mura yung ating karne,” aniya. — TeleRadyo, 22 Setyembre 2022 Share Facebook Twitter LinkedIn Viber TeleRadyo Read More: baboy pork presyo ng baboy pork prices meat prices imported meat imports importation national federation of hog farmers