PatrolPH

Bawal ang sasakyan: San Juan City, nakiisa sa World Car Free Day

ABS-CBN News

Posted at Sep 22 2021 11:06 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA - Bawal ang sasakyan ngayong Miyerkoles sa ilang bahagi ng San Juan City bilang pakikiisa sa World Car Free Day.

Isinara ang parte ng Pinaglabanan Road mula sa Narciso Street hanggang Jose Gil Street kung saan may mga harang sa mga naturang lugar. 

May harang din sa ibang mga kalsada tulad ng sa N. Domingo Street papasok ng Pinaglabanan Road at maging sa ibang minor roads para ipaalala sa mga motorista na iwasan muna ang paggamit ng sasakyan ngayong araw

Hinikayat ni Mayor Francis Zamora ang mga residente na magbisikleta muna ngayong araw. May mga karatula rin sa lungsod na nagsasabing “Bike to Work”. 

Magbibisikleta rin ang alkalde, city officials, mga pulis at volunteers para ipakita ang kahalagahan ng pagbibisikleta sa kalusugan at kaligtasan.

- TeleRadyo 22 Setyembre 2021

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.