PatrolPH

Ilang bahay sa Lemery, Batangas, naka-lockdown dahil sa COVID cases

ABS-CBN News

Posted at Sep 22 2021 02:30 PM

Watch more on iWantTFC

Naka-lockdown ang ilang bahay sa Purok 5 sa Barangay Dayapan sa bayan ng Lemery, Batangas matapos magkahawahan ang mga magkakamag-anak ng COVID-19.

Nananatili sa loob ng mga bahay ang mga residente at nakabantay din ang mga tanod.

Mula noong nakaraang buwan, 54 na ang tinamaan ng COVID-19 sa barangay, at 18 ang nananatiling active cases sa Purok 5. Walo na rin ang namamatay kabilang ang isang 6-buwang sanggol na babae.

Samantala, pumalo na sa 246 ang active cases sa buong Lemery. 

Nasa bahay na rin lamang ang may COVID dahil puno na ang mga isolation facility.

- TeleRadyo 22 Setyembre 2021

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.