PatrolPH

Higit P500-M halaga ng shabu, nasabat sa Bacolod City

Lady Vicencio, ABS-CBN News

Posted at Sep 22 2021 07:59 AM | Updated as of Sep 22 2021 09:21 AM

Watch more on iWantTFC

Higit P500 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat sa Bacolod City. 

Ikinasa ng PNP Drug Enforcement Group ang buy-bust operation na nagresulta sa pagkakahuli ng dalawang drug personalities.

Nangyari ang transaksyon sa Barangay 31, Libertad, Bacolod City kung saan nagbenta ang grupo ng P1,000 halaga ng hinihinalang shabu.

Tatlong lalaki ang lulan ng kotse at nakipagkita sa isang bangko sa lugar.

Pero nang makaramdam na pulis ang katransaksyon, isa sa mga suspek ang tumakas.

Itinuturing namang high value individual ang isa sa kanila na residente ng Barangay 14 dahil namo-monitor na umano ang kanyang pagtutulak ng iligal na droga.

Dalawampung pakete ng hinihinalang shabu ang nakuha sa kanila na abot sa P680,000 ang halaga.

Kumpiskado rin ang isang calibre 22 revolver na walang lisensya. 

Magkapatong na kasong Illegal Possesion of Firearm at paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang haharapin ng dalawang inaresto.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.