Home > News Suspek nagtangkang tumakas, sumemplang, nahuli ABS-CBN News Posted at Sep 21 2023 11:12 PM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more on iWantTFC Arestado ang isang lalaki sa Surigao del Norte dahil sa iligal na droga. Naaktuhan ng mga awtoridad ang transaksiyon sa pagitan ng suspek at isang poseur buyer kaya't dali-dali nila itong inaresto. Nagmadali namang sumakay sa kaniyang motor ang suspek at tinangkang tumakas, ngunit kalaunan ay naabutan din siya ng pulisya matapos sumemplang ang motor na sinasakyan niya. — Ulat ni Jeck Batallones, ABS-CBN News Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita. Share Facebook Twitter LinkedIn Viber tagalog news, regional news Read More: crime krimen drugs Surigao Del Norte