PatrolPH

Landslide sa South Cotabato: 1 nawawala, 77 pamilya inilikas

ABS-CBN News

Posted at Sep 21 2023 11:37 PM

Watch more on iWantTFC

Aabot sa 77 na pamilya ang inilikas dahil sa landslide sa Sitio Lamfugon, Barangay Tinago sa Norala, South Cotabato noong Martes, Setyembre 19.

Kasabay ng malakas na pagbuhos ng ulan na dulot ng ITCZ, isang magsasaka rin ang naitalang nawawala.

Ayon sa Norala MDRRMO, pansamantalang inihinto ang search operations dahil sa sama ng panahon, na maaaring magdulot ng muling pagguho ng lupa.

— Ulat ni Hernel Tocmo

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.