Water system, mga kalsada muling nasira ng baha sa barangay sa Batangas

ABS-CBN News

Posted at Sep 21 2021 08:59 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA - Sirang-sira ang mga kalsada matapos na maranasan muli ng mga residente ng Barangay Talahib Pandayan sa Batangas City ang malaking pagbaha sa lugar nitong Biyernes.

Tuluyan nang nawasak ang ginagawang kalsada doon na nasalanta noon ng bagyong Jolina.

Problema rin ng mga residente ang pagkukunan ng malinis na tubig matapos din na mawasak ang water system na nasa bundok Banoy.

Ilang sitio ng barangay na may higit 1,000 residente ang hindi na rin marating dahil sa mga nasirang kalsada. Gumagawa na ng paraan ang awtoridad para maabot ang mga isolated na sitio.

Marami naman sa mga residente ang napipilitang maglakad at tumawid sa baha. 

- TeleRadyo 21 Setyembre 2021