PANOORIN: Grupo ng senior citizens, binisita ang Manila Bay 'white sand'

George Calvelo, ABS-CBN News

Posted at Sep 20 2020 12:09 PM

Watch also in iWantTFC

MAYNILA - Hindi na pumila ang isang grupo ng mga senior citizen na mga taga-suporta ni Pangulong Rodrigto Duterte papasok sa "white sand" project sa Manila Bay nitong Sabado.

Nakiusap ang mga ito kung maaari silang paunahin dahil matatanda na sila.

Hindi sila pinayagan noong una ng organizer dahil hindi pa pupuwede lumabas ang mga senior citizen sa ilalim ng General Community Quarantine, ang quarantine classification ng Metro Manila sa kasalukuyan.

Pinayagan din sila kalaunan na pumasok at makita ang kontrobersyal na artificial white sand baywalk sa Manila Bay.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.