PatrolPH

Sunog sumiklab sa residential area sa Kamuning; 31 pamilya nawalan ng tirahan

Lyza Aquino, ABS-CBN News

Posted at Sep 19 2022 11:37 AM

Watch more News on iWantTFC

Tinatayang aabot sa 31 pamilya ang nawalan ng tirahan sa sunog na sumiklab sa Judge Jimenez Street, Kamuning, Quezon City ngayong Lunes.

Ayon kay Fire Senior Inspector Jose Felipe Arreza ng Quezon City Bureau of Fire Protection Station 4, alas dose bente uno kaninang madaling araw nang masunog ang residential area sa lugar.

alt

Nag-umpisa ang apoy sa ikalawang palapag ng bahay ng isang Allan Bernardino, na mabilis na kumalat sa 10 katabing bahay na pawang gawa sa mga light materials.

Tinatayang aabot sa P200,000 ang halaga ng structural damage ng sunog na naapula dakong 1:40 ng madaling araw. 

Walang naitalang nasawi sa sunog, habang pansamantalang manunuluyan sa senior citizens’ building ng Barangay Kamuning ang mga nabiktima ng sunog.

alt
alt
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.