PatrolPH

P7.4 milyong halaga ng shabu nasabat sa Clark

Lady Vicencio, ABS-CBN News

Posted at Sep 17 2021 07:58 AM

Watch more on iWantTFC

Nadiskubre ng mga awtoridad ang 5 pack ng shabu sa ipinadalang kargamento sa Port of Clark International Airport kamakailan. 

Isinilid ito sa 2 air pot flask o thermos na galing sa bansang Malawi.

Idineklarang flask lang ang laman ng padala pero nakatanggap ng impormasyon ang Enforcement and Security Service ng Customs Anti-Illegal Drug Task Force na may kasama itong ilegal na droga. 

Nakita sa x-ray inspection ang higit isang kilong shabu na abot sa P7.4 million ang halaga.

Nai-turn over na sa PDEA ang kontrabando at iniimbestigahan na ang pagkakakilanlan ng nagpadala ng ilegal na droga.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.