PatrolPH

Mga murang Christmas decoration tampok na sa Divisoria

Lyza Aquino, ABS-CBN News

Posted at Sep 17 2021 08:08 AM

Watch more on iWantTFC

Isa ang Pilipinas sa may pinakamahabang selebrasyon ng Kapaskuhan. Pagsapit pa lang ng "ber months" marami na ang nagkakabit ng Christmas decorations sa kani-kanilang bahay.

Kaya sa Divisoria ngayong Biyernes, marami nang mga budget-friendly decoration ang maaari nang mabili.

Ang presyo ng mga Christimas tree sa Divisoria ay naglalaro hanggang P3,500, depende sa laki at materyal na ginamit. 

May mga decoration din o ornament na ibinebenta sa halagang P200 kada isang dosenang piraso. 

Tampok din dito ang mga Christmas lights na nagkakahalaga ng P100 pataas.

Ayon sa isa sa mga nagtitinda ng Christmas decorations, matumal pa ang benta kaya ang diskarte nila ay 24 hours silang bukas, para na rin sa mga maagang namimili.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.