PatrolPH

6 suspek sa pagkawala ng ilang sabungero, tiklo

ABS-CBN News

Posted at Sep 16 2023 06:50 PM

Watch more on iWantTFC

Nabuhayan ng loob ang mga kaanak ng ilang mga nawawalang sabungero matapos maaresto ang anim na suspek nitong Biyernes. Naaresto rin ang anim pa nilang kasamahan. Umaasa silang matatagpuan pang buhay ang kanilang mga mahal sa buhay. Dito sa CIDG Regional Field Unit 4A sa Calamba, Laguna nakadetine ang anim na suspek na sangkot sa pagkawala ng anim na sabungero sa Manila Arena noong January 2022. Nagpa-Patrol, Karen De Guzman. TV Patrol, Sabado, 16 Setyembre 2023. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.