Home > News Mga deboto muling nakapagmisa sa loob ng Quiapo Church matapos ang higit 1 buwan ABS-CBN News Posted at Sep 16 2021 08:53 AM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more News on iWantTFC MAYNILA - Nag-umpisa na ang muling pagbubukas ng pisikal na misa sa Quiapo Church sa Maynila Huwebes ng umaga. Bago mag alas-5 pa lamang ng madaling araw ay may mga deboto nang naghintay sa labas ng simbahan ng Quiapo. Pinayagang makapasok sa loob ng simbahan ang 200 katao o 10 percent lamang ng indoor capacity. Pero dapat munang bakunado sila at hinihingan ng vaccination card o kaya ay kopya nito bilang patunay na sila ay nabakunahan na. Samantala, pinayagan naman ng 30 percent o 300 na katao na capacity para sa mga debotong hindi makaabot sa loob ng simbahan pag napuno ito. Tanging sa harap lang ng simbahan o sa Plaza Miranda pwedeng tumayo ang mga deboto para makinig sa misa dahil bawal pumuwesto sa paligid din ng simbahan para na rin masunod ang 300 na outdoor capacity sa ilalim ng alert level 4. - TeleRadyo 16 Setyembre 2021 Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Alert Level System, Metro Manila lockdown status, Quiapo Church, Misa, Religion, Catholic Church, TeleRadyo Read More: Alert Level System Metro Manila lockdown status Quiapo Church Misa Religion Catholic Church