PANOORIN: Mga puno nabuwal, bubong nilipad sa Cagayan dahil kay Ompong

ABS-CBN News

Posted at Sep 16 2018 10:39 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Ilang mga puno ang nabuwal sa Alcala sa Cagayan matapos hagupitin ng bagyong Ompong ang Northern Luzon, gaya ng nakita ng ABS-CBN News team doon Linggo ng umaga.

Nilipad din ang mga bubong na yari sa yero ng ilang mga bahay dahil sa dalang hangin ng bagyo.

Ang ilang residente, hindi umano inasahan na ganun kalakas si Ompong kaya nanatili sila sa kani-kanilang mga bahay.

Kuwento ng isang residente, tumakbo siya kasama ang anak patungo sa katabing bahay para makisilong ngunit nang liparin ang bubong nito, kinailangan nilang magtago sa ilalim ng mesa.