PatrolPH

Sino ang maaaring lumabas sa lugar na nakasailalim sa granular lockdown?

ABS-CBN News

Posted at Sep 15 2021 07:45 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA - Ipatutupad mula Huwebes ang alert level system at granular lockdown sa buong Kamaynilaan.

Kapag napasailalim ang isang lugar sa granular lockdown, ang maaari lamang lumabas ay ang mga sumusunod:

  • healthcare worker
  • uniformed personnel
  • overseas Filipino worker na naka-ischedule lumabas ng bansa
  • mga may emergency case

Maaari namang magpadeliver ng pagkain ngunit hanggang sa checkpoint lang ito ihahatid, ayon kay Martin Dino, Interior Undersecretary for Barangay Affairs.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.