PatrolPH

P680,000 na droga nasabat sa Makati, Parañaque

Jekki Pascual, ABS-CBN News

Posted at Sep 14 2021 06:53 AM

Watch more on iWantTFC

Tatlong lalaki ang hinuli sa magkahiwalay na drug bust sa Makati at Parañaque. 

Nasa P680,000 ang halaga umano ng nasabat na hinihinalang droga. 

Ayon sa Parañaque Police, dalawang lalaki edad 29 at 21 ang inaresto nila sa Barangay San Dionisio Lunes ng gabi matapos magbenta umano ang 2 sa isang pulis na nagpanggap na buyer. 

Nakuha sa mga suspek ang nasa 50 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P340,000. 

Samantala, ayon naman sa Makati Police, isang 55-anyos na lalaki ang hinuli nila sa Barangay Rizal. 

Nakuha sa suspek ang nasa 50 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P340,000. 

Ayon kay Southern Police District chief Police Brig. Gen. Jimili Macaraeg, tuloy pa rin ang malakihang buy-bust operations nila sa gitna ng pandemya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.