PatrolPH

Bilang ng mga fully vaccinated sa Quezon City higit 1 milyon na

Jervis Manahan, ABS-CBN News

Posted at Sep 14 2021 07:01 AM

Watch more on iWantTFC

Umabot na sa 1.18 million ang fully vaccinated sa Quezon City, na halos 70 percent ng 1.7-million target population na babakunahan sa lungsod.

Nalampasan na rin nito ang target na 1.7 million kung first dose ang pag-uusapan.

Samantala, tuluy-tuloy pa rin ang pagbabakuna sa lungsod. 

Gayunman, nagpapaalala pa rin ang mga health official na mag-ingat.

Ayon kasi sa OCTA Research, tumaas ang reproduction rate at positivity rate dito. Umabot sa 25% ang positivity rate dito, ibig sabihin, 1 sa bawat 4 na tine-test ang nagpopositibo.

Sa ngayon nasa 13,000 ang active COVID19 cases sa Quezon City.

Nasa 145,000 ang kumpirmado ng lokal na pamahalaan na nagkaroon ng COVID, pero malaking bahagi nito ang gumaling na.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.