PatrolPH

6 timbog sa umano’y drug den sa Marikina

Lady Vicencio, ABS-CBN News

Posted at Sep 14 2021 06:57 AM

Watch more on iWantTFC

Ikinasa ng Philippine Drug Enforcement Agency NCR ang buy bust operation sa Marikina City na nag-ugat sa sumbong ng concerned citizen.

Tatlong tao ang inabutan sa lugar na pare-parehong nasa drugs watchlist.

Ginagawa pala umanong drug den ang isang bahay sa Barangay Malanday na pinagbebentahan at pinaggagamitan umano ng ilegal na droga.

Target ng operasyon ang 50-anyos na si alyas Ninang. Kasamang nahuli ang isa pang babae at apat na lalaki. 

Kumpiskado sa kanila ang mga drug paraphernalia at mga nataryang hinihinalang shabu na higit P122,000 ang halaga.

Nasa kustodiya ng PDEA NCR ang mga nahuli at haharapin nila ang kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.