3 'carjacker' patay sa engkwentro sa Laguna

ABS-CBN News

Posted at Sep 14 2016 11:57 AM

Watch also in iWantTFC

Patay ang tatlong carjacker matapos makipagpalitan ng putok sa mga pulis sa Sta. Rosa, Laguna Miyerkules ng madaling-araw.

Hinarang ng mga operatiba ng police Highway Patrol Group Task Force Gimbas ang kahinina-hinalang sasakyan ng mga suspek sa isang checkpoint pero bigla itong humarurot papalayo.

Hinabol ng mga pulis ang sasakyan pero pinaputukan sila ng mga suspek, dahilan para sumiklab ang engkwentro.

Narekober sa sasakayan ang apat na baril, ilang gramo ng shabu at police uniforms na ginagamit umano ng grupo para mangharang ng mga sasakyang kanilang nanakawin.

Umagang Kay Ganda, 14 Setyembre 2016

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.