PatrolPH

Magsasaka, aso patay matapos tamaan ng kidlat sa Batangas; 7 sugatan

ABS-CBN News

Posted at Sep 13 2021 08:59 AM | Updated as of Sep 13 2021 12:14 PM

Watch more on iWantTFC

Patay ang isang magsasaka at ang kanyang alagang aso matapos tamaan ng kidlat sa Batangas City. 

Ayon kay Jomary Perez, tumama ang kidlat kay Jonathan Delos Reyes at sa alaga nitong aso sa Barangay Libjo, Batangas City, Batangas noong nakaraang Lunes na siyang ikinamatay nang dalawa. 

Aniya, kakatapos lang nilang mag-araro kasama ang ibang mga magsasaka nang biglang bumuhos ang malakas na ulan at saka kumidlat. Pitong magsasaka ang nasugatan sa tama ng kidlat. 

Nadala na ang mga labi ni Jonathan sa Bicol region kung saan ito naninirahan. - may ulat ni Andrew Bernardo

ABS-CBN TeleRadyo, Sept. 13. 2021

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.