PatrolPH

ALAMIN: Kailan mababakunahan vs COVID-19 ang mga 12-17 anyos?

ABS-CBN News

Posted at Sep 13 2021 08:17 PM

Watch more on iWantTFC

Puwede nang iparehistro sa ilang lungsod sa Metro Manila ang mga edad 12 hanggang 17 na gustong magpabakuna kontra COVID-19. Ayon sa vaccine officials, naghihintay pa sila ng rekomendasyon kung kailan magsisimula ang pagbabakuna sa mga menor de edad. Nakadepende din ito sa pagdating ng mas maraming Moderna at Pfizer vaccines, dahil ito pa lang ang may EUA para magamit sa 17 anyos pababa. Nagpa-Patrol, Vivienne Gulla. TV Patrol, Lunes, 13 Setyembre 2021
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.