840 istranded sa mga pantalan sa Bicol, E. Visayas dahil kay Ompong

ABS-CBN News

Posted at Sep 13 2018 02:25 PM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Pumalo na sa 840 ang istranded sa mga pantalan sa Bicol at Eastern Visayas regions dahil sa mga nakanselang biyahe dulot ng inaasahang paghagupit ng Bagyong Ompong, ayon sa Philippine Coast Guard ngayong Huwebes.

Mula sa kabuuan, tinatayang 580 ang nasa mga pantalan ng Bicol habang ang natitira ay nasa Eastern Visayas, ayon kay PCG spokesperson Armand Balilo.

Kanselado na aniya simula ngayong tanghali ang mga biyahe sa laot mula sa mga port sa Cebu at Bohol.

Direktang hahambalusin ni Ompong ang lalawigan ng Cagayan sa Sabado, pero magpapaulan din ito sa mga lugar na sakop ng 900-kilometerong diameter nito.

Ulat ni Johnson Manabat, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.