Marikina River nagbabadyang magdulot ng pagbaha

ABS-CBN News

Posted at Sep 12 2017 01:30 PM

Watch also in iWantTFC

Posibleng bahain Martes ang ilang bahagi ng Marikina kung magpapatuloy ang pagtaas ng tubig sa Marikina River dahil sa ulan na dala ng Bagyong Maring, babala ni Mayor Marcelino Teodoro.

"Kapag tumaas pa ito at magpatuloy, may ilang lugar na tayo rito sa Marikina na aabutin ng tubig-baha," ani Teodoro sa panayam ng DZMM. 

"Malakas ang agos ng tubig ngayon, mabilis." 

Nasa 14.9 metro na aniya ang lebel ng ubig sa ilog alas-11 ng umaga. Itinataas ang Alarm Level 1 o "warning" kapag nasa 15 metro na ang lebel ng ilog. 

Pinaghahanda naman ang mga residente na lumikas na sa Alert Level 2 kapag umabot na sa 16 metro ang antas ng Marikina River. Dinadala naman sa evacuation center ang mga residente sa ilalim ng Alert Level 3 kapag nasa 17 metro na ang ilog. 

Tutumbukin ng Bagyong Maring ang Metro Manila ngayong Martes ng hapon. 

Para sa iba pang ulat-panahon, bisitahin ang ABS-CBN Weather Center
 
DZMM, 12 Setyembre 2017 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.