Ilang landslide tumama sa Mauban bago ang landfall ni 'Maring'

ABS-CBN News

Posted at Sep 12 2017 11:13 AM

Watch also in iWantTFC

Nakapagtala na ng landslide sa Mauban, Quezon bago pa man ang inaasahang landfall doon ng Bagyong "Maring," Martes. 

"May mga barangay po sa ilang sakop namin dito na nagkaroon ng landslide. Tulungan po ang DPWH (Department of Public Works and Highways) at aming tanggapan para po maging maayos ang sistema," ani Robert Gapasangra, hepe ng Mauban disaster office. 

Inaasahang tatama si Maring sa kalupaan ng Mauban bago nito tumbukin ang Metro Manila, Laguna, Rizal, Bulacan at Zambales, ayon sa state weather bureau PAGASA. 

Inilikas na ng pamahalaang lokal ng Mauban ang mga residente na lantad sa banta ng landslide at pagbaha, ayon kay Gapasangra. 

Sinuspinde na rin ang pasok sa mga paaralan sa bayan. 

Para sa iba pang ulat-panahon, bisitahin ang ABS-CBN Weather Center

DZMM, 12 Setyembre 2017 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.