Home > News Pet microchipping inilunsad sa Baguio ABS-CBN News Posted at Sep 10 2019 12:27 AM Share Facebook Twitter LinkedIn Watch also in iWantTFC Inilunsad ng City Veterinary Office ng Baguio City ang pet microchipping na layong pabilisin ang paghahanap sa mga nawawalang alagang hayop sa lungsod. Sa tala ng City Veterinary Office, halos 200 aso sa Baguio ang nawawala taon-taon kaya inilunsad nila ang paglalagay ng microchip sa mga pets na nagkakahalaga lang ng P200 hanggang P300. Nakalagay sa pet microchip ang pangalan ng alaga, address ng may-ari at iba pang impormasyon na makatutulong para maibalik ang nawawalang alaga. Sinisiguro rin ng City Veterinary Office na hindi nito nilalabag ang Animal Welfare Act at hindi ito masakit dahil para lang rin itong bakuna sa aso at kasing-laki lang ng isang butil ng bigas.—Ulat ni Micaella Ilao, ABS-CBN News Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita. Share Facebook Share on Twitter LinkedIn Bandila, Tagalog news, pet microchips, pet microchipping, pets, dogs, cats, Baguio City, Micaella Ilao Read More: Bandila Tagalog news pet microchips pet microchipping pets dogs cats Baguio City Micaella Ilao