PatrolPH

Sapul sa CCTV: Tangkang pagdukot ng babae sa Caloocan

ABS-CBN News

Posted at Sep 09 2022 06:58 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA—Magsisimba sana ang isang 19-anyos na babae nang tangkain siyang dukutin ng isang lalaking nakamotorsiklo sa Brgy. 177, Caloocan.

Ayon sa biktima, naglalakad siya sa Alma Jose St. papunta sa sakayan ng mga jeep nang harangin siya ng suspek, noong nakaraang linggo. Nagpakilala aniya bilang pulis ang lalaking rider.

Kita sa CCTV footage ng barangay na bumaba ang suspek sa kaniyang motorsiklo, naglakad at sinubukang hablutin ng biktima.

Pero nang dumami na ang mga tao sa kalsada ay umalis ang lalaki.

Doon na napaiyak at nagmadaling umalis ang biktima.

Ayon naman sa Northern Police District, patuloy pa rin nilang tinutugis ang suspek. May mga babaeng pulis na rin silang itinalaga sa kaso sakali mang kailanganin ng anumang karagdagang assistance ng biktima.

Sa ngayon ay nagpakalat na ang Northern Police District ng mas maraming mobile patrol sa lungsod para mapabilis ang pagtugis sa suspek at upang maiwasan na maulit ang ganitong insidente.

Sakali mang kailanganin ninyon ng anumang tulong, narito ang mga hotlines ng Northern Police District:

  • +83623291
  • +83623276
  • +639985987862

—Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.