PatrolPH

6 tiklo sa pagbebenta umano ng marijuana sa kalsada sa Maynila

ABS-CBN News

Posted at Sep 09 2022 07:00 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA—Naaktuhan ng pulisya ang umano'y pagbebenta ng isang magkapatid ng marijuana sa kalye ng Salcipuedes sa Eermita, Maynila, Biyernes ng madaling araw.

Arestado ang 20 anyos na si alyas Rico, nobya niya, at ang 28 anyos na kapatid niya nang si alyas Jonathan.

Kasama rin sa inaresto ang tatlong parokyano na naaktuhang bumibili sa kanila ng droga.

Dalawang kilong marijuana na nagkakahalaga ng P240,000 ang nasabat sa mga suspek.

Ayon sa pulisya, mahigit isang taon nang nagbebenta ng ilegal na droga ang magkapatid na suspek. Sa kalye umano ng Salcepuedes ang lugar kung saan parating isinasagawa ng mga suspek ang iligal na transaksyon.

Tumanggi namang magbigay ang mga suspek ng pahayag sa media.

Mahaharap ngayon ang mga suspek sa kasong paglabag ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022.—Ulat ni Larize Lee, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.