Pinaghihinalaang tulak ng droga, patay sa Bulacan

ABS-CBN News

Posted at Sep 09 2016 11:19 AM

Watch also in iWantTFC

Patay ang isang pinaghihinalaang tulak ng droga habang isa sa kanyang mga kasamahan ang naaresto sa magkakahiwalay na operasyon ng pulis sa Bulacan nitong Huwebes.

Binaril ng mga pulis ang suspek na si Ramiro Cortez matapos umano nito manlaban sa Hagonoy. Nakuha mula sa kanya ang isang .38-kalibreng baril at apat na sachet ng pinaghihinalaang "shabu," ayon kay Senior Inspector Heryl Bruno na na--mbestiga sa kaso.

Bago ang insidente, nahuli ng mga pulis ang umanoy kasamang tulak ni Cortez na si Roberto "Obet" Dela Cruz sa hiwalay na operasyon sa San Agustin, alas-tres ng hapon.

Apat na box ng shabu ang nakumpiska kay Dela Cruz, na dati na umanong sumuko sa Oplan Tok-hang ng pulisya.

Samantala, nahuli rin ang umano'y drug pusher sa Barangay Sta. Monica, Bulacan.

Timbog si Edgardo Enriquez alias 'Kamote' matapos makuha sa kanya ang dalawang sachet ng shabu.

Nabanggit ni Enriquez na nakakakuha siya ng droga mula sa isang 'Bong' na taga-Malolos.

Kasama si Enriquez sa Top 10 most wanted drug personalities sa Hagonoy.