PatrolPH

Taiwan visa-free pa rin sa mga Pinoy: Bello

ABS-CBN News

Posted at Sep 08 2022 01:27 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA - Nananatiling visa-free para sa mga Pilipino ang Taiwan, sinabi ng isang opisyal nitong Miyerkoles, matapos ang mga balitang sinuspinde ang pribiliheyo na ito.

Kamakailan, napabalitaan na hindi sinama ng Bureau of Consular Affairs ng Taiwan ang Pilipinas sa mga bansa na visa-free ang pagpasok sa naturang island-state dahil sa suspensiyon.

Ayon kay Silvestre Bello, chairman ng Manila Economic and Cultural Office (MECO), hindi umano totoo ito. Pero may quarantine protocol pa rin umanong 7 days ang mga turista na pupunta sa Taiwan.

Dagdag niya, may 20,000 na bukas na trabaho para sa mga Pilipino sa Taiwan.- SRO, TeleRadyo, Sept. 7, 2022

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.