Pulis, patay sa enkuwentro sa Caloocan

ABS-CBN News

Posted at Sep 08 2017 11:23 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Patay na ang pulis Caloocan na una nang nasugatan sa enkuwentro sa hinihinalang gun-for-hire Biyernes ng madaling araw.

Alas-6:20 ng umaga nang idineklara ng attending physician na binawian na ng buhay si PO3 Junior Helario na kasama sa Caloocan Police na humabol sa isang hinihinalang hired killer kaninang madaling araw.

Natunton ng mga pulis ang inuupahang bahay ni alyas Jason Dela Cruz sa Sampaguita Subdivision, Barangay 175 sa Caloocan City sa tulong sa tip ng isang informant.

Si Helario ang nagbukas ng pinto na sinabayan naman ng suspek ng pagpapaputok ng baril. Tinamaan si Helario sa ulo. Bagamat naisugod pa sa ospital ay binawian na rin ng buhay makalipas ang ilang oras.

Si Dela Cruz naman ay napatay sa operasyon. Narekober mula sa bahay niya ang isang baril at mga paketa ng hinihinalang shabu.

– Umagang kay Ganda, 8 September 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.