2 MILF members patay, 1 sugatan sa away sa basketball

ABS-CBN News

Posted at Sep 08 2017 07:49 AM

Watch also in iWantTFC

Patay ang dalawang miyembro umano ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) habang isa ang sugatan sa pamamaril sa North Cotabato.

Ayon sa awtoridad, nag-ugat ang pamamaril sa larong basketball.

Bumuo na rin ng sariling investigation team ang MILF.

Paglilinaw din nila na hindi ang mga lider ng MILF ang sangkot sa away at hindi rin umano sagupaan ang nangyari kundi isang shooting incident.

Sa pinakahuling impormasyon ng pulisya, nasa kustodiya na umano ng MILF ang mga suspek habang patuloy pa rin ang imbestigasyon.

– Umagang kay Ganda, 8 September 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.