Bangkay ng isang lalaki, natagpuan sa Ilog Pasig

ABS-CBN News

Posted at Sep 07 2016 08:43 AM

Watch also in iWantTFC

Natagpuan ang bangkay ng isang lalaki sa ilog sa Baseco Compound, sa Maynila pasado hatinggabi ng Miyerkules.

Kwento ng nakakitang residenteng si Onyok, iihi lang sana siya sa ilog nang makita niyang palutang-lutang ang bangkay.

Agad naman ipinagbigay-alam ng saksi ang nadiskubre sa barangay.

Ayon sa mga pulis, may nakitang sugat sa kaliwang sentido ng biktima.

Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng biktima na tinatayang nasa 45 hanggang 50 anyos ang edad.