Naunsyaming meeting nina Duterte at Obama, may epekto ba?

ABS-CBN News

Posted at Sep 07 2016 03:01 AM

Watch also in iWantTFC

Sa unang pagsabak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa international stage, nakuha niya ang atensyon ng marami at naging headline pa ng ilang international news outlets. 'Yan ay dahil sa naging epekto ng mga banat niya kay U.S. President Barack Obama at sa Amerika bago lumipad papuntang Laos para sa ASEAN Summit. Umatras ang Amerika sa dapat sana ay unang paghaharap nina Obama at Duterte. Bandila, September 06, 2016, Martes