PatrolPH

Delta variant nakaapekto sa bilang ng foreign arrivals: Immigration

ABS-CBN News

Posted at Sep 04 2021 02:33 PM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA— Bumaba ang bilang ng mga biyaherong banyaga sa bansa dahil sa banta ng Delta variant ng COVID-19, ayon sa Bureau of Immigration. 

Ayon kay BI Spokesperson Dana Sandoval, "halos 70 porsiyento" ang ibinaba ng mga dumarating sa bansa simula nang pumutok ang pandemya. 

"Definitely po mababa ngayon ang number of travelers, nakita naman natin entire pandemic period halos 70 percent ang binaba ng mga pumapasok - lalo na siguro sa pag-usbong ng Delta variant," ani Sandoval sa public press briefing nitong Sabado. 

Sa ngayon ay may travel ban ang Pilipinas sa 10 bansa hanggang Setyembre 5 para mapigilan ang pagkalat pa ng Delta variant.. 

Sakop dito ang India, Pakistan, Nepal, Sri Lanka, Bangladesh, Oman, United Arab Emirates, Indonesia, Malaysia, at Thailand. 

Hindi naman sakop ng ban ang mga Pinoy na parte ng repatriation at special commercial flights, dati nang nasabi ng Malacañang.

— Laging Handa, 4 Setyembre 2021 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.