Ex-Ozamiz councilor Parojinog inatake sa puso sa loob ng selda: pulisya

ABS-CBN News

Posted at Sep 04 2020 07:54 PM

Watch also in iWant or TFC.tv

Pinaiimbestigahan ni Philippine National Police (PNP) chief Camilo Cascolan ang dahilan ng pagkamatay ni dating Ozamiz City councilor Ardot Parojinog. Ayon kasi sa inisyal na medical exam ng PNP, lumalabas na cardiopulmonary arrest o atake sa puso ang nangyari. Wala rin daw silang nakitang senyales na may nangyaring karahasan dahil mag-isa lang daw ito sa loob ng kaniyang selda. Nagpa-Patrol, Jeff Canoy. TV Patrol, Biyernes, 04 Setyembre 2020

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.