Pamilya Sanchez, inaming humingi sila ng tulong kay Panelo

ABS-CBN News

Posted at Sep 04 2019 12:01 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Humarap sa pagdinig ng Senado kaugnay ng good conduct time allowance o GCTA ang asawa at ilang anak ni dating Calauan mayor Antonio Sanchez. 

Inamin nilang humingi sila ng tulong sa dating abogado ni Sanchez at ngayo'y presidential spokesperson na si Salvador Panelo kaugnay ng clemency ni Sanchez. 

Kumbinsido naman ang ilang senador na nagsinungaling sa kaniyang testimonya si Bureau of Corrections director general Nicanor Faeldon kaya posible siyang makasuhan. I-Bandila mo, Ina Reformina.—Bandila, Martes, 3 Setyembre, 2019

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.