Home > News Mga dinadala sa ospital mula sa quarantine facility sa Tanza, Cavite dumarami ABS-CBN News Posted at Sep 01 2021 02:33 PM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more News on iWantTFC Nabawasan ang mga senior citizen na nagpapagaling sa COVID-19 isolation facility sa Tanza, Cavite pero ito ay dahil dumarami ang lumalala ang kondisyon at kinailangang ilipat sa ospital. Ayon sa St. Augustine COVID-19 isolation facility, nasa 11 na lang ang kanilang mga pasyente, matapos mapuno ang 30 kama ng pasilidad at maging ang kanilang observation room nitong mga nakaraang linggo. ""Kapag mga O2-requiring na po talaga, mga oxygen-requiring, is kailangan nang ma-transfer sa hospital. Kapag dito po kasi, lalo na kapag senior citizen, mabilis lang pong mag-deteriorate 'yung lagay nila," ayon sa medical officer na si Dr. Princess Jara Imi Peregrino. Aabot sa higit 1,000 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Tanza. Bagama't wala pang kumpirmadong kaso ng Delta variant, napapansin ng municipal health office ang mabilis na pagdami ng mga nagkakasakit, ng mga nao-ospital, at ng mga namamatay. — Headline Pilipinas, 1 Setyembre 2021 Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita. Share Facebook Twitter LinkedIn Viber PatrolPH, Tagalog News, Headline Pilipinas, Teleradyo Read More: COVID-19 Cavite quarantine facility St. Augustine COVID-19 isolation facility