2 banyagang may kasong rape at murder, arestado

ABS-CBN News

Posted at Sep 01 2017 10:15 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration ang dalawang banyagang may kaso sa labas ng bansa na nagtago umano sa Leyte.

Kinilala ang mga suspek na si Tipton Shea McMahon, isang Amerikano at may kasong murder sa US at British national na si Robert Evans, isa umanong sex offender sa UK.

Naaresto si McMahon sa resort na pagmamay-ari ng kanilang pamilya sa Abuyog, Leyte habang nadagdagan naman ang parusa ni Evans nang mabisto ng intel ng British embassy na nagpo-post ito ng mga larawan kasama umano ang mga menor de edad sa social media. Umagang kay Ganda, 1 September 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.