Drug suspect, arestado sa police operation sa QC

ABS-CBN News

Posted at Aug 31 2017 09:18 AM

Watch also in iWantTFC

Nasamsam ng awtoridad ang nasa 14 na sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P200,000 sa isinagawang police operation sa Quezon City.

Sa bisa ng search warrant na ipinalabas ni Judge Rosanna Fe Maglaya ng Regional Trial Court Branch 88 ng QC, sinugod ng mga operatiba ng Quezon City Police District Drug Enforcement Unit ang bahay ng isang Osing Morales, alyas Babay, sa Pook dela Paz, Feria Road, Barangay Old Balara. 

Hindi nila naabutan sa bahay ang target, ngunit nadatnan nilang bumabatak sa naturang lugar si Arnold Pantinople, 41-anyos, at nakuha mula sa kanya ang mga droga.

Inaresto si Pantinople at dinala ito sa Camp Karingal. 

Bukod sa mga shabu ay nakuhaan din ng mga bala ng kalibre 9mm at 22 mm ngunit walang baril ang nakita.

Kakasuhan siya ng paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang nahuling suspek. – Umagang kay Ganda, 31 August 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.