Delivery van, tumagilid sa Iloilo

ABS-CBN News

Posted at Aug 31 2017 10:15 AM

Watch also in iWantTFC

Tumagilid ang isang delivery truck habang bumibiyahe sa Santa Barbara sa Iloilo.

Ayon sa driver, pabalik na sila ng Iloilo City matapos mag-deliver sa Passi City.

Pagdating sa Barangay Bitaog, mag-o-overtake sana siya sa isang 10-wheeler, pero nawalan ng kontrol habang nakaapak sa preno.

Naka-seatbelt siya at ang dalawa niyang pahinante kaya galos lang ang kanilang inabot.

Nagpaalala naman ang mga pulis sa mga motorista na mag-ingat kapag dumaraan sa mga lugar na di naman kabisado. – Umagang kay Ganda, 31 August 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.