LPA, namataan sa bahagi ng Tuguegarao

ABS-CBN News

Posted at Aug 30 2017 11:24 AM

Watch also in iWantTFC

Patuloy pa rin binabantayan ang isang low pressure area (LPA) na namataan 555 kilometers east northeast ng Tuguegarao City.

Base sa monitoring ng PAGASA, posibleng maging mahinang bagyo o isang tropical depression ang LPA sa silangan ng Luzon.

Hindi inaalis ng PAGASA ang posibilidad na maging bagyo ito bago tumama sa lupa. Sakaling maging bagyo, tatawagin itong bagyong "Kiko".

Ngayon Miyerkoles, mataas ang tsansa ng ulan sa malaking bahagi ng Luzon. Uulanin sa Batanes, Cagayan, Ilocos, Baguio at Subic.

Sa Metro Manila, makakaranas rin ng mga thunderstorms sa hapon at sa gabi.

Samantala, isa pang bagyo ang nasa labas ng Philippine Area of Responsibility. 

Isang severe tropical storm na ang bagyong "Sanvu" na may dalang lakas na 105 kilometers per hour at pagbugsong umaabot sa 129 kilometers per hour.

Dahil pa-north northwest ang direksyon ng bagyo, hindi ito inaasahang papasok pa ng Philippine Area of Responsibility. Umagang kay Ganda, 30 August 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.