Lalaking hinihinalang tulak, hindi nailigtas ng anting-anting

ABS-CBN News

Posted at Aug 30 2017 10:21 AM

Watch also in iWantTFC

Tila hindi tumalab ang suot na anting-anting ng isang hinihinalang tulak ng ipinagbabawal ng droga sa mga bala ng mga pulis sa engkuwentro sa Barangay Bagong Silang, Caloocan.

Dead on the spot sa loob ng bahay ng ginagawang drug den sa Barangay 176 ang 37-anyos na suspek na si Erwin Labantosas na nakasuot pa ng kuwintas na may silver bullet. 

Ayon sa paunang impormasyon, isang tawag ang natanggap ng pulisya tungkol sa 3 lalaki na pinaghihinalaang mga drug pushers. 

Pagresponde ng awtoridad, agad umanong nagpaputok ang suspek kaya’t napilitang gumanti ng mga pulis, dahilan ng agarang pagkamatay ni Labantosas.

Nakatakas naman ang 2 pa nitong kasamahan.

Nakuha sa crime scene ang isang kalibre .38 na baril, hindi pa matukoy na dami ng sachet ng hinihinalang shabu at mga drug paraphernalia. 

Napag-alamang kabilang sa drug watchlist ng barangay ang napatay na suspek. - Umagang kay Ganda, 30 August 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.